SCHOLARSHIP GRANT PARA SA MGA KABILANG SA MARGINALIZED SECTOR SA PANGASINAN, IPINAMAHAGI

Napamahagian ng Scholarship Grant ang mga estudyanteng kabilang sa Marginalized Sector, gayundin ang mga katutubo at mga muslim.
Katuwang ang ilang kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, naging matagumpay ang pamamahagi ng Scholarship Grant na makakatulong sa pagpapatuloy sa pag-aaral ng mga benepisyaryo.
Pinaalalahanan naman ang mga grantees na pagbutihin pa lalo ang kanilang pag-aaral upang mas maganda ang kanilang magiging kinabukasan.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng pantay na oportunidad ang mga estudyante sa kabila ng pagkakaiba sa kultura, tradisyon at paniniwala, at ang pagkakataong magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga estudyante sa hinaharap. |ifmnews
Facebook Comments