Sweldo ng TUPAD Beneficiaries sa Diffun, Quirino, Ipinamahagi

Cauayan City, Isabela- Ipinamahagi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 ang sweldo ng mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program sa bayan ng Diffun, Quirino.

Ayon kay Ms. Laura B. Diciano, head ng DOLE Quirino Field Office, binigyang diin nito na ang naturang programa ay isang hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho dulot ng COVID-19 pandemic.

Pinasalamatan naman nina PESO Manager Busania at Vice Mayor Corpuz si DOLE Secretary Silvestre Bello sa tulong at pondong ibinigay para sa mga displaced workers ng kanilang bayan.


Malaking tulong anila ang TUPAD program sa kanilang komunidad dahil nagkaroon ng pansamantalang trabaho ang mga kababayang nawalan ng hanapbuhay.

Umaabot sa P5,627,700.00 na kabuuang halaga ng sahod ang ipinamahagi sa 1,521 na TUPAD beneficiaries mula sa 33 barangay ng bayan ng Diffun.

Ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng tig-P3,000 bilang bayad sa kanilang 10 araw na pagtatrabaho sa kanilang komunidad mula Oktubre 20 hanggang 29, 2021.

Facebook Comments