Cauayan City – Magpapakitang gilas sa Centennial National Collegiate Athletic Association Season si Marc Hector Africano na tubong Cauayan City bilang bagong miyembro ng Arellano University Swim Team.
Ayon kay Marc Hector, ang kanyang mga magulang ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pagpasok sa mundo ng swimming.
Sa kanyang pagsasanay, ibinahagi niya na malaki ang naging pagbabago hindi lamang sa kanyang husay sa paglangoy kundi pati na rin sa kanyang sportsmanship.
Sa darating na centennial season ng National Collegiate Athletic Association, handa na si Marc Hector na ipakita ang kanyang talento at determinasyon.
Matatandaang isa rin si Marc Hector sa mga mahuhusay sa swimmers na nakapag-uwi na ng iba’t-ibang parangal sa lungsod ng Cauayan.
Samantala, Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa mga tumulong sa kanyang tagumpay, kabilang sina Mayor Jaycee Dy, mga opisyal ng Cauayan City, kanyang mga coach, ka-team, kaibigan, at pamilya.