Manila, Philippines – Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho nitong first quarter ng 2018.
Batay sa survey ng social weather station, bunsod ito ng resignations, involuntary job loss at first-time job seekers.
Lumalabas sa survey na tumaas sa 23.9 percent o katumbas ng 10.9 milyong pilipino ang walang trabaho, mula sa dating 15.7 percent noong December 2017.
Ayon sa SWS, ito na ang pinakamaatas na record na kanilang naitala mula noong December 2016.
Base pa sa survey, 5.8 million ang nag-resign sa trabah, habang 3.5 million naman ang nawalan ng trabaho at 1.6 million naman ang mga new job seekers.
Isinagawa ang survey noong March 23 hanggang 27, sa 1,200 respondents.
Facebook Comments