Manila, Philippines – Masaya ang Malacañang sa resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 66 percent o anim sa bawat sampung pilipino ang naniniwalang bumaba ang bilang ng mga drug user sa kanilang mga lugar.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – patunay ito na tama ang ginagawang kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.
Sa kabila aniya ng mga batikos, determinado pa rin si Pangulong Duterte na ituloy ang kanyang war on drugs.
Ito ay bilang pagtalima sa kanyang pangako noong eleksyon na tatapusin niya ang problema sa iligal na droga sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Dagdag pa ni Panelo – hindi lang sa bansa kundi maging sa abroad ay umani ng suporta mula sa ilang world leaders ang anti-drug campaign ng gobyerno.
Samantala, ang survey ay isinagawa noong December 16 hanggang 19, 2018 na nilahukan ng 1,800 respondents nationwide.