Manila, Philippines – Tumaas ang net satisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa ikatlong bahagi ng taon.
Sa latest Social Weather Stations (SWS) survey 57 porsyento ng mga respondents ang nagsabing kuntento sila sa trabaho ni Robredo habang 23 porsyento ang hindi.
Sa kabuuan, nakakuha si Robredo good positive 34 na net satisfaction rating na dalawang puntos na mataas sa positive 32 na nakuha niya noong Hunyo.
Nanatili naman sa “very good” ang net satisfaction rating ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
Lumabas na 68 percent ng mga respondent ang kontento sa performance ni Sotto habang 13 percent naman ang dissatisfied.
Samantala, nakakuha naman ng neutral negative 4 rating si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo habang at neutral positive 4 si retired Chief Justice Teresita De Castro.
Ang survey ay isinagawa noong September 15 hanggang 23 sa 1,500 adult respondents.