RECRUITMENT | U.S. Treasury, pinatawan ng sanction ang isang Iranian network

Pinatawan ng sanctions ng U.S. Treasury ang isang multibillion-dollar financial network dahil sa pagsuporta nito sa Iranian paramilitary forces sa pagre-recruit ng mga batang sundalo bilang miyembro ng elite revolutionary guards.

Karamihan sa mga batang nire-recruit nito ay may edad na hindi bababa sa 12.

Ayon kay Treasury Secretary Steven Mnuchin – ang Bonyad Taavon Basij network ay nagbibigay ng pondo sa Basij Resistance Force na nakikipagtulungan sa Islamic Revolutionary Corps ng Iran.


Sangkot aniya ang Basij sa mga violent crackdown at serious human rights abuses.

Ipapatupad ang sanctions sa walong bank at investment firms.

Facebook Comments