SWS: VP Robredo, bumaba ang satisfaction rating sa ‘moderate’

Nakitaan ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong nagsasabing satisfied sila sa panunungkulan ni Vice President Leni Robredo, base sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa second quarter ng 2019.

Mula sa “good” noong buwan ng Marso, bumaba sa “moderate” ang satisfaction rating ni Robredo nitong Hunyo.

Ayon sa resulta, 57% na lang mula sa dating 63% ng mga Pinoy ang “satisfied” sa bise presidente, habang 29% naman ang “dissatisfied.”


Lumalabas na +28 an net rating ni Robredo–14 puntos na mas mababa mula sa +42 noong Marso.

Base sa survey, 21 puntos ang ibinaba mula sa Visayas, 18 puntos sa Mindanao, at 13 puntos sa Balance Luzon, habang nanatili naman sa 14 puntos ang rating niya sa Metro Manila.

Samantala, sa kaparehong survey, bumaba rin ang rating ni dating House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nakakuha ng “poor” -20.

Gayundin sa rating ni Senate President Vicente Sotto III na nakitaan ng isang puntos na pagbaba, ngunit nanatili pa rin na “very good” +60.

Nanatili rin na “moderate” +13 ang rating ni Chief Justice Lucas Bersamin.

Isinagawa ang survey mula ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo ngayong taon sa 1,200 katao na may 18 pataas ang edad.

Facebook Comments