Pagbili ng karagdagang 2 milyong rapid testing kits, aprobado na

Kinumpirma ni National Task Force COVID Chief Implementer Carlito Galvez na inaprobahan na ng Pangulo ang pagbili ng karagdagang dalawang milyong rapid testing kits at 900,000 na PCR testing.

Aniya, malaki ang maitutulong nito sa ginagawang mass testing sa mga PUI AT PUM ng COVID-19.

Sa ngayon, tinatayang may limang libo hanggang walong libo PUI ang naisasailalim sa COVID-19 testing kada araw.


Giit ni Galvez sa ginagawang mass testing, makikita ang totoong picture ng komunidad na apektado ng COVID-19 at mahihiwalay ang mga indibidwal sa COVID-19.

Inihayag rin ni Galvez na binuksan na ang Ninoy Aquino Stadium bilang quarantine facility na may 200 na mga medical officers mula sa Armed Forces of the Philippines.

Nagpasalamat naman si Galvez sa AFP maging sa PNP dahil sa pamamahala sa Ninoy Aquino Stadiun at PICC.

Facebook Comments