Sylvia Sanchez, pumalag sa mga bashers ni Arjo Atayde; James Ingram, pumanaw na

“Ako na lang ang patayin niyo”!!!

Ito ang inihayag ngayon ng aktres na si Sylvia Sanchez sa mga pananakot at panlalait ng mga fans ng AlDub sa lahat ng miyembro ng kaniyang pamilya.

Nabatid kasi na napuno na si Sylvia sa mga bashers kaya at sinabi nito na huwag ng idamay pa ang mga mahal niya sa buhay kung saan iginiit nito na wala siyang nakikitang mali sa pagiging malapit ng kaniyang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.


Dagdag pa ng aktres na matagal na siyang nagtitiis sa mga paninira sa kaniyang mga anak kaya at bilang isang ina, gagawin daw niya lahat para maprotektahan niya ang mga ito.

Samantala, pumanaw na ang sikat na RNB singer noong 80’s and 90’s na si James Ingram sa edad na 66.

Lumalabas sa ulat na namatay si Ingram dahil sa sakit na brain cancer na ilan taon na din niyang nilalabanan.
Nakilala si Ingram sa mga sumikat na kanta tulad ng I Don’t Have a Heart, Somewhere out There at Just Once.

Facebook Comments