“Symbolic vaccination drive” ng Pilipinas, umarangkada na

Sinimulan na ngayong lunes ang “symbolic vaccination drive” ng Pilipinas gamit ang opisyal at otorisadong dose ng Sinovac Coronavirus vaccine na Coronavac.

Si Philippine General Hospital Director Dr. Gerardo Legaspi ang kauna-unahang Pilipino sa bansa na nabakunahan sa ginanap na ceremonial vaccination sa UP-PGH ground sa Maynila kaninang umaga na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Ang nagbakuna kay Dir. Legaspi ay si Nurse Chareluck Santos.


Bukod kay Legazpi, sumunod na nagpabakuna ay si Institute of Molecular Biology and Biotechnology, UP-National Institutes of Health Director Dr. Edsel Salvaña at si Food and Drug Administration Director General Eric Domingo.

Nagpabakuna rin ng anti-COVID-19 vaccine sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. at MMDA Chairman Benhur Abalos na kapwa dumalo sa ceremonial vaccination.

Sa kanyang talumpati, tinawag ni Vaccine Czar Carlito Galvez na “doses of hope” ang pagdating at paggamit ng Sinovac sa bansa.

Binigyan-diin din nito na isang moral obligation ng mga Pilipino ang magpabakuna at huwag nang maghintay ng “best vaccine”.

Nabatid na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna si Galvez upang mapatunayan na ligtas at epektibo ang Sinovac at mahikayat ang iba pang healthcare workers na magpabakuna.

Pero simula kagabi, nasa 200 health workers pa lang ng PGH ang nagpalista para magpabakuna ng Sinovac vaccine.

Facebook Comments