Symbolic vaccine rollout para sa A4 group, isasagawa sa susunod na linggo

Nakatakdang simulan ng gobyerno ang symbolic vaccine rollout para sa A4 priority group sa June 7.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito ang matagal nang hinihintay ng mga Local Government Unit (LGU) na mabakunahan na ang kanilang mga manggagawa.

Gayunman, hindi pa aniya ito ang pormal na rollout para sa A4 priority group dahil hihintayin pa ang donasyon mula COVAX Facility para magtuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga empleyado.


Sa oras na simulan na ang pagbabakuna sa A4 priority group, uunahin muna ang mga edad 40 at ang mga may iniinom na maintenance na gamot.

Facebook Comments