Mahigit 2000 indibidwal, apektado ng Bagyong Dante sa Region 11 at 12

49

Aabot sa 2, 642 mga indibidwal o 566 na pamilya ang apektado ngayon ng pananalasa ng Bagyong Dante sa 18 barangay sa Region 11 at 12.

Batay ito sa situation report kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


158 na pamilya o 604 na indibidwal na apektado ng bagyo ay pansamantalang tumutuloy sa 10 evacuation center.

Ang mga apektadong ito ay mula sa Davao del Sur at Davao City sa Region 12; at South Cotabato at Bayan ng Banga sa Region 11.

Sa Region 12, na-monitor ng NDRRMC ang 2 incidents ng landslide, 3 pagbaha, 1 flashflood, at 1 flashflood na may kasamang soil erosion; habang sa Bangsamoro Autonomous Region (BARMM), isang insidente ng pagbaha naman ang iniulat.

Facebook Comments