Upang mas lalo pang lumawak ang pang-unawa hinggil sa sitwasyon sa Mindanao habang ito ay nasa ilalim ng Martial law, isinagawa ng Human Resource Management Division of the Office of Governor (ORG)-ARMM ang symposium na pinamagatang Martial Law: A Blade of Death or a Scalpel of Life sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex dito sa Cotabato City.
Ang symposium ay dinaluhan ng daan-daang empleyado ng ARMM line agencies, mga estudayante mula Cotabato City at mga karatig bayan.
Ang Martial law ay direkta laban sa mga terorista at lawless elements, layon nitong mapanumbalik ang kapayapaan at kaayusan ayon kay Col. Jovien Gonzales ng 6th Infantry Division, Philippine Army.
Ang deklarasyon ng martial law ay ligal bagamat dapat na manatiling vigilante ang publiko, ayon naman kay Atty. Mohammad Muktadir Estrella, Attorney IV ng ORG-ARMM sa kanyang pagtalakay sa legal ramifications ng batas militar.
Pahayag naman ni Atty. Abdulnasser Badrudin, chairperson ng Regional Human Rights Commission-ARMM, may measures na ipinatutupad sa pamamagitan ng konstitusyon upang matiyak na napoprotektahan ang karapatang pantao at natatamasa ng taumnbayan sa kabila ng deklarasyon ng martial law at suspension ng privilege of writ of habeas corpus.
Symposium on Martial Law, isinagawa sa ARMM!
Facebook Comments