Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang Syria ang pangunahing dinadalhan ng mga Pilipinong manggagawa na biktima ng human trafficking.
Ayon sa DFA, sa Syria sila naka-rescue ng undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng human trafficking.
Pinakahuli aniya nilang naiuwi ay ang 34 na mga biktima na kinanlong ng Philippine Embassy sa kanilang shelter.
Pero sa ngayon ay wala ng laman ang Philippine Embassy shelter sa Damascus matapos bumaba na ang bilang ng Pinay workers na biktima ng human trafficking.
Sa record ng DFA, bumaba na sa 2,575 ang potential victims ng human trafficking sa nakalipas na taon, mula sa 3,581.
Facebook Comments