SYRIA WAR | DFA, tiniyak na walang Pilipinong nadamay sa panibagong gulo sa Damascus, Syria

Syria – Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nadamay sa panibagong opensiba na inilunsad ng Syrian Army laban sa Islamic militants sa Damascus, Syria.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, patuloy na binabantayan ng embahada ng Pilipinas sa Damascus ang sitwasyon sa gitna ng gyera sa naturang bansa.

Bagaman nagpahayag na ang mga militante na susuko, patuloy pa rin ang artillery at mortar exchange sa Damascus.


Muli namang pinaalalahanan ng DFA ang hindi bababa sa 1,000 Pilipinong nananatili sa Syria na manatiling handa at mapagbantay.

Una nang sinabi ng DFA na handa ang kagawaran sa posibleng pagpapauwi sa mga Pilipino.

Facebook Comments