Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi requirement para sa graduation ng mga Senior High School students (SHS) ang National Achievement Test (NAT).
Ayon kay Education Undersecretary Lorna Dig-Dino, maaring maka-graduate at makapag-enroll sa kolehiyo ang mga SHS students kahit hindi dumaan sa nasabing pagsusulit.
Binigyang diin pa ni Dig-Dino – na ang layunin ng NAT ay para sa system evaluation.
Samantala, nakatakdang gawin ang test sa Mayo at hinihimok ng Deped ang mga senior high school graduates na sumama.
Facebook Comments