Ta Rupam Ah!

Kapag kinukulit ka minsan ay naasar ka, pero ang kakulitan sa umaga kasama si Josh Dado at Boom Tere ay matutuwa ka, samahan pa ng mga reaksyon ng mga besfriends nating bidang bida sa pagsagot sa usapang “3 words Para sa Taong May Gusto Sa’yo?”.

Sadyang agaw pansin ang sagot ng isa nating Bes na si Daryll “TA RUPAM AH!” na kapag isinalin sa tagalog ay “Mukha Mo!”. Ito ay salitang pambara kapag wala kang maisagot, flattered at iba pang klase ng emotion na di mo alam kung papaano ilabas kaya’t naging ekspresyon din ito sa mga Ilocano.

Abangan ang mas marami pang nakakatawa at nakakatuwang topiko sa iFM Kulitan Sa Umaga kasama sina Boom Tere at Josh Dado 6-9AM sa 99.5 iFM, ang BestFriend Mo, SuPaiAh!


Facebook Comments