Inihayag ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) na tahimik at naging maaliwalas ang kalagayan ng Bulkang Taal sa nakalipas na bente kwatro oras.
Sa monitoring ng Philvolcs, walang volcanic earthquakes na naitala sa paligid nito hanggang sa kanyang crater.
Pero ang low level background tremor na nagsimula noong Abril 8, 2021 ay patuloy na naitatala.
Paliwanag ng Philvolcs may naganap din na pagbuga ng volcanic gas sa lawa ng main crater na magdulot ng paglabas ng puting usok na may taas ng 500 hanggang 1000 metro na napadpad sa hilagang kanluran at timog kanluran.
Naglabas din ng carbon dioxide na umabot ng humigit kumulang na 2,976 na tonelada kahapon.
Huling na sukat sa lawa ng Taal ang mainit na temperatura na umabot sa 71.8 degrees Celsius.