Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epektibo na ang fare increase sa mga Public Utility Vehicle (PUV) sa ika-3 ng Oktubre 2022.
Ayon sa LTFRB, ang bawat PUV operator at driver ay nangangailangang maglagay ng updated Fare Matrix o Fare Guide sa kanilang mga sasakyan na makikita agad ng kanilang pasahero.
Hindi rin umano maaring magtaas ng singil ng pamasahe ang mga PUV driver at operator hangga’t walang inilalabas ang LTFRB na Fare Matrix Guide.
Hinihikayat naman ang publiko na kung may reklamo patungkol sa pagpapatupad ng fare increase, maaaring ipaabot ang reklamo sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342 o mag-send ng mensahe sa LTFRB Official Facebook page o magtungo sa official website ng LTFRB.
Facebook Comments