Communist terrorist group na nag-o-operate sa Agusan del Sur, nabuwag

116

Tuluyan nang nalansag ng tropa ng militar ang isang Communist Terrorist Group na ang operasyon ay nakasentro sa Agusan del Sur makaraang sumurender sa pamahalaan ang lider at ilang miyembro nito.

Partikular na sumuko ang mga ito kay 26th Infantry Battalion Head Lt. Col. Sandy Majarocon nitong Sabado.

Kasamang isinuko ng anim na New People’s Army (NPA) ang tatlong mga matataas na kalibre ng baril at mga bala.


Ayon sa mga rebelde, ninais nilang magbalik-loob sa pamahalaan upang makapamuhay na ng normal at payapa kasama ang kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon, sumasailalim ang anim na surrenderee sa medical check-ups, assessments, documentation, at counseling bilang paghahanda sa pagpasok nila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Facebook Comments