Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga jeepney driver at mga operator na hindi pa sila maaaring maningil ng P10 dagdag pasahe.
Ito ay kahit epektibo na ngayong araw ang P2 dagdag sa minimum na pamasahe sa jeep.
Ayon kay LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, wala pa silang nabibigyan na mga jeepney driver at operators ng fare matrix dahil wala pang nagbayad para i-proseso ang certificate of public convenience para sa mga jeep.
Ang fare matrix ay ang pinagbabatayang singil sa ruta ng jeepney at bus kung saan dapat itong nakapaskil sa madaling makita ng mga pasahero.
Kaugnay nito, maaari nang maningil ng pisong dagdag sa bawat limang kilometro ang mga bus na karamihan ay mayroon ng fare matrix.
Facebook Comments