TAAS-PRESYO | Dagdag na buwis sa tobacco products, isusulong ng gobyerno

Manila, Philippines – Isusulong naman ng Duterte Administration ang dagdag na excise tax sa mga produktong tobacco.

Layon nitong makapag-generate ng ₱37 billion na kita sa sigarilyo, sa presyuhang 60 hanggang 90 pesos kada pakete.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, isa na rin itong hakbang para matiyak ang kalusugan ng mga Pilipino at malayo sa sakit sa dala ng paninigarilyo.


Ang dagdag na excise tax ay bahagi ng panukalang universal healthcare kung saan ang lahat ng maralitang Pilipino ay sakop ng programa para sa dekalidad na serbisyong medikal.

Aabot sa ₱135 billion ang target na pondo rito.

Facebook Comments