UMAPELA | CJ De Castro, kinondena ang pagpatay kay Judge Pintac

153

Manila, Philippines – Umapela si Supreme Court Chief Justice Teresita De Castro sa Philippine National Police (PNP) na agarang resolbahin ang pananambang kay Ozamis City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac.

Inatasan na rin ni De Castro si Court Administrator Midas Marquez na makipag-ugnayan sa mga otoridad para mabigyan ng hustisya ang biktima at mahuli ang responsable sa pagpatay kay Pintac.

Nagpahayag rin ng labis na kalungkutan si De Castro at nagpaabot ng panalangin at simpatya sa mga naulila ni Pintac.

Facebook Comments