Taas presyo ng kuryente ngayon buwan sa Luzon, naka-amba!

Asahan na ang taas sa presyo ng kuryente ngayon buwan sa Luzon.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, posibleng tumaas ang power rate dahil na rin sa nangyaring pagnipis na supply ng kuryente dahilan para itaas sa red alert status ang buong Luzon grid sa nakalipas na mga araw.

Aniya, ang nangyaring ito ay posibleng may kinalamaan sa law of supply and demand kung saan mataas ang demand ng kuryente pero kulang ang supply nito.


Una nang itinuturo na ang biglaang pagshut down ng mga power plants ng mga private sector ang dahilan ng biglaang rotational brownout sa Luzon.

Facebook Comments