Transportation Sec. Tugade, nagpaturok na rin ng COVID vaccine sa Muntinlupa City

44

Kinumpirma ng Muntinlupa Public Information Office na nagpabakuna na rin kontra COVID-19 si Transportation Secretary Arthur Tugade.

Si Tugade ay residente ng Muntinlupa City at ito ay tinurukan kanina ng first dose sa Ayala Malls South Park, Brgy. Alabang sa Muntinlupa.


Ayon sa Muntinlupa Local Government Unit, ang kalihim ay pasok sa A2 priority group bilang isang senior citizen.

Umapela naman ang Muntinlupa LGU sa mga residente ng lungsod na magparehistro na rin para mabakunahan kontra COVID-19.

Ang vaccination sites sa lungsod ay matatagpuan sa Ayala Malls South Park, Festival Mall-UGF Covered Parking, SM Muntinlupa, at Sucat Covered Court.

Facebook Comments