TAAS PRESYO | Presyo ng bigas sa Zamboanga City, pumalo na sa halos P70 kada kilo

Zamboanga City – Inirekomenda na ang pagdedeklara ng state of calamity sa Zamboanga City.

Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas sa lungsod na umaabot sa P50 hanggang P70 kada kilo.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar, ang commercial rice na para dapat sa Zamboanga ay dinadala sa iba pang lugar sa Mindanao gaya ng Jolo, Sulu na kamakailan ay naapektuhan ng malaking sunog.


Bunsod nito, nangangailangan aniya ngayon ng 180,000 na sako ng bigas ang Zamboanga City para mapunan ang tatlong buwan na buffer stock.

Sa monitoring ng Zamboanga City Local Government, sa bahagi ng tumaga district umabot sa P68 kada kilo ang pinakamahal na presyo ng bigas.

Habang nasa P70 naman ang pinakamahal sa Ayala District at Manicahan District.

Facebook Comments