Sa ika-anim na sunod na linggo, muling magkakaroon ng dagdag-presyo sa produkto petrolyo ngayong araw.
May dagdag na P0.50 sa kada litro ng gasolina, P0.15 sa kada litro ng diesel at P0.20 sa kada litro ng kerosene.
Ipapatupad ito ng ala-sais ng umaga ng Shell, Flying V, Seaoil, Total, Petro Gazz, Jetti Pump, Eastern Petroleum, Petron at PTT Philippines.
Kasabay nito, nilinaw ng Petron na hindi sila magtaas ng presyo sa kerosene sa mga lugar na nasa state of calamity.
Ang nasabing oil price hike ay bunsod ng presyuhan sa world market.
Facebook Comments