Humihirit ang United Federation of Sugar Producers (UNIFED) sa pamahalaan na taasan ang Suggested Retail Price (SRP) ng asukal.
Ito ay upang makabawi ang mga sugar producers kasunod ng pinsala ng Bagyong Paeng sa libu-libong ektaryang tubuhan sa Visayas.
Ayon kay UNIFED President Manuel Lamata, nasa ₱85 hanggang ₱90 ang SRP ng kada kilo ng asukal ang inihihirit nilang taas-presyo, mula sa kasalukuyang ₱70.
Mataas na rin kasi aniya ang kanilang production at cost habang patuloy pa ang assessment sa pinsala ng bagyo sa Negros, Cebuc at Tanay.
Nagbabala rin si Lamata na kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling na dagdag-presyo ay posible namang magkaroon epekto ang bagyo sa supply ng asukal sa susunod na taon.
Facebook Comments