Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX sa darating na holiday season, inaasahang magsisimula sa Simbang Gabi; 150,000 pasahero kada araw, inaasahan!

Pinaghahandaan na ng pamunuan ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang pagdagsa naman ng mga pasahero sa nalalapit na holiday season.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni PITX Spokesperson Jason Salvador na kapag nagsimula na ang Simbang Gabi ay inaasahan na nila ang maraming pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya o kaya naman uuwi dito sa Metro Manila.

Inaasahan aniya nila na dadagsain ang PITX ng mahigit 150,000 na mga pasahero kada araw.


Dagdag pa ni Salvador, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad hinggil sa mga ipatutupad na seguridad.

Inihayag din ni Salvador na nagpapatupad ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Southern Police District (SPD) ng 24/7 na seguridad sa nasabing terminal.

Facebook Comments