Taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas, epektibo na ngayong araw

Epektibo na kaninang alas-12:01 ng hating gabi ang taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Sa abiso ng Petron Corporation at Phoenix LPG Philippines, nadagdagan ng P0.50 kada kilo ang presyo ng LPG o katumbas ng P5.50 dagdag sa kada 11-kilogram na tangke.

Habang nagtaas naman ng P0.30 kada litro ang presyo ng auto LPG.


Samantala, nagpatupad ng P0.45 na umento sa kada kilo ng kanilang LPG ang solane, epektibo kaninang alas-6 ng umaga.

Ang nabanggit na taas-presyo ay bunsod naman ng pagtaas sa International Contract Price ng LPG ngayong buwan ng Hulyo.

Facebook Comments