Muling nararanasan ng mga operators, motorista at mga drivers ang taas presyo sa mga produktong langis na epektibo ngayong araw, October 24 sa pagpapatupad ng mga oil companies.
Simula bukas, nasa 95 centavos kada litro ang dagdag sa produktong Gasoline, 1 peso at 25 centavos naman sa kada litro ang taas sa produktong Kerosene habang may umento na 1 peso at 30 centavos sa kada litro ng Diesel.
Ayon naman sa Department of Energy, isa sa nakikitang salik sa pagsirit ng presyo ng mga krudo ay ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng bansang Israel at grupong Hamas, gayundin ang pabago-bagong presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.
Samantala, ang mga operators ng pampasaherong sasakyan sa Dagupan City ay hindi na raw nasurpresa sa paggalaw ng presyo dahilan na matagal na rin daw na hindi nagiging stable ang presyuhan sa mga langis.
Wala naman umanong magawa ang mga ito kung hindi ang magpakarga pa rin upang makapagpatuloy sa pamamasada at kumita ng pera. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments