Baguio, Philippines – Ang Department of Trade and Industry (DTI) ay nakatakdang maglabas ngayong Mayo 4, 2019 ng isang updated na suggested retail price (SRP).
Walong brand ng sardinas ay magpapatupad ng pagtaas ng presyo, mula P0.30 hanggang P1.00 bawat lata para sa mga lokal na tatak, at P1.50 para sa mga premium na tatak.
Ayon kay Undersecretary Ruth B. Castelo, ang pagtaas ay dahil sa mataas na presyo ng mga materyales, at ang mga brand na nakatakdang magpatupad ng pagtaas ng presyo ay mga tatak na nagpatupad naman ng price freeze noong nakaraang taon (2018).
Ang parehong ulat ay nagsabing ang mga presyo ng noodles ay inaasahan din na tumaas ng 20 hanggang 45 centavos bawat pack.
Ang mga presyo ng condiments- patis, toyo, at suka – ay nakitaan din ng pagtaas ng 20 hanggang 85 centavos.
iDOL, kaya ba ng bulsa ang taas presyo?