Taas-presyo sa mga pangunahing bilihin, inaasahan ngayong buwan

Inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong buwan.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, ang mararamdamang ‘food inflation’ ay epekto pa rin ng mga nasirang pananim sa Hilagang bahagi ng Luzon dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring.

Pero nilinaw ng kalihim na hindi ito makakaapekto sa kabuuang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Oktubre.


Sa ngayon, aabot na sa P2.17 billion ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong Maring sa sektor ng agrikultura

Facebook Comments