Taas-presyo sa mga produktong petrolyo, nagbabadya sa huling linggo ng Abril

Asahan na ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa huling linggo ng Abril.

Sa inilabas na abiso, maglalaro sa P0.35 hanggang P0.45 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina habang P0.25 hanggang P0.35 kada litro sa diesel at nasa P0.55 hanggang P0.65 kada litro ang kerosene.

Inaasahang aakyat ang US oil demand sa pagsisimula ng driving season at ang nagbabantang pagputol sa oil export ng Libya.


Facebook Comments