Taas presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na Linggo matapos ang sunod-sunod na oil price rollback.

Ayon sa mga energy source, maglalaro sa P0.25 hanggang P0.35 ang dagdag sa presyo ng gasolina.

Wala namang naitalang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.


Karaniwang ipinatutupad ang oil price adjustment sa araw ng Martes.

DZXL558

Facebook Comments