3 kalalakihan kabilang ang isang menor de edad, nanggahasa ng 16 anyos na dalagita

Manila, Philippines – Agad na nahuli ang tatlong kalalakihan, kabilang ang dalawang menor de edad matapos manggahasa ng 16-anyos na dalagita sa isang bayan sa Capiz.

Sa ulat, pyesta sa kanilang lugar nang mangyari ang panggagahasa dahilan para hindi marinig ang sigaw ng biktima na dinala sa isang gubat para doon salit-salitang pagsamantalahan ng tatlo.

Natuklasan na lamang ang nangyari nang umuwi ang biktima para magsumbong sa magulang.


Kaagad namang nahuli ang tatlong suspek kung saan ang isa ay nakakulong na habang ang dalawang menor de edad ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

DZXL558

Facebook Comments