Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ng taas-presyo sa kanilang mga produkto.
Ipapatupad ng SeaOil, Flying V, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Caltex, Jetti Pump, Petron at Total ang P0.70 dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Nasa P0.35 naman ang taas presyo ng SeaOil, Caltex at Flying V sa kada litro ng kerosene.
Nauna nang mag-anunsiyo ang Shell, PTT Philippines, Petron at Petro Gazz ng P0.70 taas-presyo sa gasolina at diesel.
May P0.35 taas-presyo rin ang Shell sa kada litro ng kerosene.
Ipatutupad ng mga kompanya ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na nagpatupad alas-12 kaninang hatinggabi.
Pinayuhan naman ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella ang mga pribadong motorista na maging wais dahil iba-iba naman ang mga presyo sa mga gasolinahan.
Hindi naman kasi aniya kontrolado ng gobyerno ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.