Maghanda na ang mga motorista sa muling pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo.
Ang Pilipinas Shell at Seaoil ay pagpapatupad ng price increase sa kanilang diesel ng ₱0.60 kada Litro, ₱0.35 sa gasolina at ₱0.45 sa kerosene.
Una nang nag-anunsyo ang Chevron Philippines, Petro Gazz, at Unioil Petroleum Philippines ng kaparehas na presyo.
Sa huling datos ng Department of Energy (DOE), aabot na sa ₱6.20 ang itinaas sa kada Litro ng gasolina, apat na piso sa diesel at 1.75 pesos sa kerosene.
Ang oil price adjustments ay ipapatupad bukas, alas-6:00 ng umaga
Facebook Comments