Taas-presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Manila, Philippines – Magpapatupad ang mga kumpaniya ng langis ng taas-presyo sa produkto petrolyo ngayong araw.

Ipapatupad ng Shell, Petro Gazz, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Jetti Pump, SeaOil, UniOil at Caltex ang P0.90 dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.55 naman sa kada litro ng diesel.

May P0.85 taas-presyo rin ang Shell, Caltex, SeaOil sa kada litro ng kerosene.


Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na una nang nagpatupad kaninang hatinggabi.

Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, ang taas-presyo ay bunsod ng U.S. Sanction sa Venezuela, pagbawas sa produksyon ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at pagsara ng ilang refinery ng langis sa China.

Mula umpisa ng taon, P4.54 na ang iminahal ng diesel habang P4.29 naman sa gasolina, kasali na ang taas-presyo sa Martes at ang dagdag-buwis sa langis.

Nasa P2.82 naman ang iminahal ng kerosene mula Enero 1 hanggang Pebrero 12.

Facebook Comments