Campaign period para sa nat’l position, umarangkada na ngayong araw

87

Aarangkada na ngayong araw ang kampanyahan para sa senatorial candidates at partylist group para sa 2019 midterm election.

Nauna ng inihayag ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, na gagawin nila ang kanilang kick-off rally ngayong araw sa San Fernando City at Angeles City sa Pampanga.


Ang nasabing lalawigan ang balwarte ni Governor Lilia Pineda, chairman ng regional party na kabilang na nakipag-alyansa sa Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Sisimulan naman ng Otso Diretso ng oposisyon ang kanilang kampanya sa Caloocan City na susundan ng pangangampanya sa Naga City sa Camarines Sur.

Ang koalisyon ay kinabibilangan ng Liberal Party, Magdalo, Aksyon Demokratiko at Akbayan.

Tatagal ang campaign period sa pagkasenador at partylist group hanggang Mayo 11.

Habang sa Marso 29 hanggang Mayo 11 naman ang campaign period para sa mga tatakbo sa mga lokal na posisyon.

Facebook Comments

From Advertisers