Kinumpirma ng Department of Trade and Industry o DTI na patuloy pa rin nilang pinag-aaralan ang kahilingan ng ilang manufacturers sa taas-presyo ng mga tinapay at sardinas.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Ann Claire Cabochan ng Consumer Protection Group, nanawagan ang mga gumagawa ng tinapay dahil sa mataas na presyo rin sa mga produkto tulad ng harina.
Habang, ang mga gumagawa ng sardinas ay humihiling din ng price increase dahil sa pagtaas ng presyo ng mga isda.
Giit ni Cabochan na masusing pinag-aaralan ng DTI ang mga naturang kahilingan dahil marami silang kinokonsidera hinggil sa taas-presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi pa ng opisyal na sisikapin nilang panatilihin sa pinakamababa ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Facebook Comments