Guidelines para sa booster shot ng mga edad 12 hanggang 17, ilalabas na ng DOH sa susunod na linggo

52

Ilalabas na ng Department of Health o DOH ang guidelines sa susunod na linggo para sa pagtuturok ng booster shot kontra COVID-19 sa mga edad 12 hanggang 17.

Ayon kay DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na siyang Chairperson ng National Vaccination Operation Center o NVOC, maisasapubliko na sa Lunes ang naturang guidelines.

Layon aniya nito na mabigyan rin nang karagdagang proteksyon ang mga bata laban sa COVID-19.


Dagdag pa ni Cabotaje, importante rin sa kanila ito dahil sa naitatalang pagtaas muli ng kaso ng sakit at inaasahang pagbabalik sa face-to-face classes.

Facebook Comments