Manila, Philippines – Sa ikalawang sunod na buwan, tataas ang singil ng Meralco ng mahigit dalawang sentimo kada kilowatt hour ngayong Agosto.
Magiging katumbas ito ng P5.30 na dagdag sa kumokonsumo ng 200kwh, P7.95 sa kada 300 kwh, P10.60 sa 400 kwh at P13.25 sa mga kumokonsumo ng 500 kwh.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ito ay dulot ng pagtaas din ng halaga ng kuryente mula sa mga supplier.
Nakadagdag din aniya ang paghina ng piso at VAt sa transmission charge dulot ng TRAIN Law.
Batay naman sa pag-aaral ng International Energy Consultant o IEC, pangalawa ang Pilipinas sa Japan sa may pinakamataas na singil ng kuryente sa residential customers.
Paliwanag ni Dr. John Morris, IEC managing director, wala naman kasing subsidy ang gobyerno sa bayarin sa kuryente gaya ng sa ibang bansa.
Asahan naman na tataas pa ang singil sa kuryente sakaling maaprubahan ang TRAIN 2 dahil papatawan na ng tax ang mga renewable energy.