Sa ikatlong sunod na araw, muling numipis ang reserbang kuryente sa Luzon dahil sa pagpalya ng maraming planta.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, posible itong magpamahal ng singil sa kuryente sa Hulyo.
Aniya, isa ang tindi ng init sa mga dahilan kung bakit tatlong araw nang yellow alert o mainipis ang reserbang kuryente.
Paliwanag ni Zaldarriaga, sumirit na sa 10,750 megawatts ang konsumo ng Luzon na mas mataas sa pinakamataas na konsumo noong 2017.
Samantala, asahan na ang dagdag-singil ngayong Hunyo ng Meralco dahil kasama na ang Feed in Tariff Allowance o FITALL na P0.073 kada kilowatt hour.
Nakatakdang ianunsyo ng Meralco sa susunod na linggo ang kanilang adjustment para sa June bill.
Facebook Comments