TAAS-SAHOD | Grupong COURAGE, nanawagan sa gobyerno na itaas ang national minimum wage para sa lahat ng kawani na salary grade 1

Manila, Philippines – Iginiit ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) na napapanahon na para itaas sa P16,000 ang national minimum wage para sa lahat ng kawani na salary grade 1 ang klasipikasyon o sumasahod lamang ng P10,510 kada buwan.

Ginawa ng grupo ang apela sa gitna ng panawagan ng iba’t-ibang labor groups sa pribadong sektor sa matinding pangangailangan para sa taas sahod dahil sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay COURAGE National President Ferdinand Gaite, bagaman suportado nila ang demand ng mga private workers para sa wage increase ay marapat din aniyang ipagpatuloy ang kanilang pakikibaka para maitaas ang sahod ng mga lingkod bayan sa harap ng lumalalang economic condition ng bansa.


Binuweltahan din ng progresibong grupo ang pahayag umano ni NEDA Secretary Ernesto Pernia na tanging ang mga organized labor groups lamang ang makikinabang sakaling magpatupad ng panibagong national minimum wage increase.

Anila, taliwas sa kanyang mandato na isulong ang naaayon na living wages ay repleksyon nito ang pagiging manhid umano ng kalihim sa totoong kalagayan ng mga manggagawa kasama na ang mga nasa government service.

Facebook Comments