TAAS-SAHOD | Makabayan bloc, naghain ng panukala para itaas sa P750 ang national minimum wage

Manila, Philippines – Naghain ang Makabayan bloc sa Kamara ng House Bill 7787 na layong gawing P750 ang national minimum wage sa lahat ng mga empleyado sa bansa mula sa kasalukuyang P512.

Ang pagtataas sa minimum wage ay bunsod na rin ng patuloy na pagsirit sa presyo ng langis at produktong petrolyo sa bansa dulot ng TRAIN.

Layunin ng panukala na pagtataas sa minimum wage na makaagapay sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.


Maliban sa isa itong solusyon para tugunan ang negatibong impact ng TRAIN law, nais din ng Makabayan na kilalanin sa pamamagitan ng pagtataas ng minimum wage ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Giit pa ng Makabayan, hindi bago o radical na panukala ang hirit na taasan ang minimum wage dahil ito ay salig na rin sa Wage Rationalization Act noong Aquino Administration.

Facebook Comments