TAAS SAHOD | Mga guro, muling lumusob sa tanggapan ng DBM

Manila, Philippines – Kinalampag ng grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT ang tanggapan ng Department of Budget and Management upang muling igiit ang dagdag sahod sa mga pampublikong guro sa bansa.

Ayon kay ACT Chairperson Benjamin Valbuena, mariin nilang kinundena naging pahayag ni DBM Secretary Benjamin Diokno na pag-aaralan muna ng gobyerno kung nararapat bang itaas ang sahod ng mga guro.

Paliwanag ni Valbuena ang kanilang mahirap na kalagayan dahil sa baba ng sahod ay hindi umano biro kaya dapat umanong ikonsidera ni Diokno ang kanilang kahilingan na taasan ang mga sahod ng guro dahil noong nakaraang Disyembre 2017 ang Kamara at Senado ay inaprubahan ang Joint Resolution # 18 na nagpapahintulot na taasan ang sahod ng mga guro mula 14 na libong piso na buwanang sahod gagawing 29,668 libong piso buwanang sahod ng mga guro.


Giit ni Valbuena ang 20,179 na buwanang sahod ng mga guro ay mababa sa pag-aaral ng Ibon Foundation na 31 libong piso ang dapat na buwanang sweldo ang nararapat sa mga guro mayroong anim na pinakakain.

Facebook Comments