TUMATAAS | DOLE, nababahala sa mga kaso ng pag-abuso sa mga OFW sa Kuwait

Manila, Philippines – Nangangamba si Labor Secretary Silvestre Bello III sa tumataas na bilang ng kaso ng pag-abuso sa mga manggagawang Filipino sa Kuwait.

Sa 2016 report na natanggap ng kalihim, umaabot na sa 1,447 na kaso ng pagmamaltrato ang kanilang natanggap, 2,959 ang paglabag sa kontrata, 227 ang sexual abuses at 63 ang hinalay.

Ang nakababahala aniyang bilang ng pagmamalupit sa mga OFW ay sa gitna ng pahayag ng Pangulong Duterte na pauuwiin ang lahat ng OFWs na nasa Kuwait kapag nagpatuloy ang pag-abuso sa kanila.


Noong nakaraang linggo ay sinuspinde ni Bello ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait bilang pagtalima sa utos ni pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments