Iginiit ng Makabayan sa Kamara na napapanahon na para itaas ang sahod ng mga manggagawa.
Para sa Makabayan, ngayon ay nararamdaman na ang epekto ng serye ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang na rito ang pagtaas ng inflation rate sa 4% at ang patuloy na tensyon sa Ukraine na kinakikitaan na ngayon ng downward trend.
Dahil ang presyo ng langis ang nagdidikta ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa, marapat lamang na ikunsidera ng pamahalaan ang nararapat na dagdag sweldo nang sa gayon ay makasabay din ang mga ordinaryong Pilipino sa pagtaas ng mga presyo.
Paliwanag pa rito, kung maitataas ang sahod ng mga manggagawa ay mas makakabili sila ng mga pangangailangan na mainam din sa mga negosyo at makakatulong pa ito sa ekonomiya ng bansa.